Miyerkules, Hunyo 4, 2008

Imbitado ka!

Sa araw ng Linggo, ika-walo ng Hunyo, ganap na ika-isa ng hapon, ay magaganap ang pinagsanib na pagdiriwang ng kaarawan ng dalawa sa ating mga katoto. Sila ay sina...


Raymond Halim



at

Alexander PeƱaranda



Ang piging ay idaraos sa bahay ng mga Batang Tampines (Tampines Boys): Blk 871 Tampines Street. 84 #07-39 Singapore 520871.

Dahil dito, ikaw ay inaanyayahan na dumalo at makibahagi sa nabanggit na pagdiriwang. May kantahan, kainan, tsismisan at kung anu-ano pa. Subalit pinapaalala sa lahat ng dadalo na huwag masyadong maingay para na rin sa kapakanan ng kapitbahay.


Maaaring ipagbigay alam sa mga kinauukulan kung ang inyong presensya ay maasahan sa araw na nabanggit. Mas mainam kung mag-iiwan ng mensahe sa ibaba ng blog na ito.



Maraming Salamat at kita-kita tayo sa araw ng Linggo!

Paalala: Ang piging na ito ay may pahintulot ng mga kinauukulan, huwag mangamba.